Ang Saguaro National Park ay basically ilang oras na pagmamaneho habang tinitingnan ang isang sobrang determinadong halaman. Determinadong mabuhay kung saan hindi nabubuhay ang mga halaman at hindi talaga dapat mag-isip tumira ang mga tao. Pero ganyan naman ang buong Arizona.
At para patas, impresibo nga ang mga saguaro. Napakalalaki. May ilan na dalawang daang taon na ang edad. Pero sa kalaunan sisimulan na ng utak mo na isalansan silang lahat sa iisang mental folder na may label na “malaking kaktus.” Tingnan mo, kaktus. Malaki lang at medyo kakaiba
“Itong isa, may dalawang braso.”
“Itong isa, may tatlong braso.”
“Itong isa, baluktot... wow!”
"Uy baluktot din itong isa!"
"So anong oras tayo babalik sa hotel?"
Sa isang punto mararamdaman mong ang buong park experience ay pagbibigay lang ng personalidad sa mga gulay. Ang disyerto mismo ay maganda sa magaspang na paraang Arizona kung saan parang patay na ang lahat pero handang-handa ka ring patayin, at may ilang tao na gustong-gusto iyon. Ewan ko, mahal ko ang buhay. Bawat halaman dito mukhang puno ng tinik, lason, o malalim na personal na sama ng loob. Pati ang hangin parang matalim.
At ang init dito may sariling klase ng pang-iinsulto. Hindi 'yung mahalumigmig at pawisang init, kundi tuyong init, init ng oven. Hindi ka man lang makakapawis kasi nasisingaw agad pagkalabas sa balat mo. Init na para bang hindi talaga nilikha ang steering wheel mo para hawakan.
Nakakatawa rin kung gaano kaseryoso magkuha ng litrato ng mga kaktus ang mga tao. Makikita mong nakayuko nang dramatiko ang mga bisita pagdating ng sunset, sinusubukang i-capture ang emosyonal na lalim ng isang bagay na sa huli ay isang lang naman malaking matinik na tubo.
Ang sunset dito grabe nga talaga kaganda. Nagiging orange at purple ang langit, humahaba ang silweta ng mga saguaro sa buong disyerto, at bigla mong mararamdaman na parang opening shot na ng isang lumang Western kung saan tuyo at mabula ang lahat ng namamatay. Ang problema lang, pagkatapos ng ilang sandali, parang... nakita mo na ang kaktus.